ANG BANSANG GRESYA
Ang bansang Gresya ay isa sa mga bansang dinadayo ng mga turista na nagmula pa sa mga iba't-ibang panig ng mundo. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng Asya, Europa, at Aprika. Ang bansang ito ay napapaligiran ng mga dagat tulad ng: Dagat Egeo Ang Dagat Egeo ay bahagi ng Dagat Mediteraneo na matatagpuan sa pagitan ng mga tangway ng Balkan at Anatolia. Dagat Jonico Ang Dagat Jonico o Honiko (sa Ingles ay Ionian Sea) ay isang look ng Dagar Mediteraneo, timog ng Dagat Adriyatiko. Napapaligiran ito ng timog Italya sa Kanluran, timog Albania sa hilaga, at Gresya (at ng mga pulo nito) sa silangan. Ang dagat na ito ay isa sa mga pinakamalindol na sa daigdig. Dagat Mediteraneo Ang Mediteraneo ay isang dagat sa Karagatang Atlantiko na halos natatakpan ng mga anyong-lupa. Kabilang na dito ang Europa sa Hilaga, Aprika sa Timog at Asya sa Silangan. May sukat itong 2.5 million km^2 (965,000 sq mi). Ang tanging koneksiyon nito sa atlantiko ay ang Kipot ng Gibraltar na...