ANG BANSANG GRESYA

Ang bansang Gresya ay isa sa mga bansang dinadayo ng mga turista na nagmula pa sa mga iba't-ibang panig ng mundo. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng Asya, Europa, at Aprika. Ang bansang ito ay napapaligiran ng mga dagat tulad ng:

Dagat Egeo


Ang Dagat Egeo ay bahagi ng Dagat Mediteraneo na matatagpuan sa pagitan ng mga tangway ng Balkan at Anatolia.

Dagat Jonico


Ang Dagat Jonico o Honiko (sa Ingles ay Ionian Sea) ay isang look ng Dagar Mediteraneo, timog ng Dagat Adriyatiko. Napapaligiran ito ng timog Italya sa Kanluran, timog Albania sa hilaga, at Gresya (at ng mga pulo nito) sa silangan. Ang dagat na ito ay isa sa mga pinakamalindol na sa daigdig.

Dagat Mediteraneo


Ang Mediteraneo ay isang dagat sa Karagatang Atlantiko na halos natatakpan ng mga anyong-lupa. Kabilang na dito ang Europa sa Hilaga, Aprika sa Timog at Asya sa Silangan. May sukat itong 2.5 million km^2 (965,000 sq mi). Ang tanging koneksiyon nito sa atlantiko ay ang Kipot ng Gibraltar na 14km^2 (9 mi) lamang ang lawak. Ang dagat na ito ay naging mahalaga sa pakikipagkalakalan at paglalakbay noong mga sinaunang panahon. Ang mga kulturang nakinabang sa dagat ay ang Mesopotamiya, Ehipto, Semetiko, Persa (Persian), Penisyano, Kartago, Griyego, Lebantino at mga Romano.

Ang bansang Gresya ay mayroong katamtaman at maaliwalas na klima. Ang Gresya ay kilala sa angkin nitong kagandahan pagdating sa kultura, sining, lingwahe, pilosopiya, pulitika na mayroong malaking naiambag at naimpluwensya sa iba't-ibang lugar sa mundo. Magandang bisitahin ang bansang ito dahil sa kaakit-akit at kahali-halina na mga tanawin dito.

Mga Rehiyon sa Gresya:

  • Thrace
  • East Macedonia
  • Central Macedonia
  • West Macedonia
  • Thessaly
  • Sporades Islands
  • Epirus
  • Ionian Islands
  • West Greece
  • Central Greece
  • Peloponnese
  • Attica
  • Crete
  • South Aegean Islands
  • North Aegean Islands

Mga Lungsod:

  • Athens
  • Thessaloniki
  • Patra
  • Heraklion
  • Larissa
  • Volos

Limang Museong kilala sa Gresya:

  • Acropolis Museum


  • Archaeological Museum of Delphi


  • National Archaeological Museum


  • Heraklion Archaeological Museum


  • Palace of the Grand Master



Limang sikat na dagat sa Gresya:

  • Elafonisi, Crete


  • Mylopotas Beach, Ios


  • Plaka Beach, Naxos


  • Platys Gialos, Mykonos

  • Ornos Beach, Mykonos


Limang sikat na parke sa Gresya:

  • The National Park of Mount Olympus


  • Pindos National Park


  • White Mountains National Park


  • Alonissos Marine Park


  • Zakynthos Marine Park

Comments

  1. Mahusay! Ang larawan ng Zakynthos Marine Park ay napanood ko sa isang Korean movie. Mukhang naging mapili sa maggamit ng mga larawan kaya ito ay nagdulot ng maganda sa inyong katha.

    ReplyDelete

Post a Comment